Anything I can share to all… From my recipes, experiences and life

JolliJeep

Everyday… JolliJeep

jollijeep

I am currently working here in Makati (tip: In one of the hospitals here). Di po ako doctor, nurse or any medically inclined job pero dito po ako ngayon pinagrereport ng aking kumpanya. Dahil siguro sawa na sila na paswelduhin ako ng walang ginagawa.

Noong unang mga araw ko dito, mahirap. Kasi araw-araw, gumigising ako o ang nanay ko ng maaga para magluto ng almusal at babaunin ko. Mahirap at mahal po kasi ang mga pagkain dito sa lugar ng mga nakapalda at nakakurbatang empleyado.

Ang aking boss (hello, boss!) ay kumakain sa cafeteria ng hospital. Mahal pa din ang pagkain, di sapat ang kakarampot na sweldo ko para sa araw-araw na gastusin.

Sinubukan na naming kumain sa food chains sa labas ng hospital, Max’s, McDonalds, Tokyo-Tokyo, KFC pero talagang di ako tatagal dito.

Nagkayayaan minsan sa JolliJeep… ang tanyag na Jollijeep ng Makati. Marami kang pagpipilian sa mga ulam nila. Kung ikaw ay kakain dito, siguraduhin mong di ka maarte. Bakit kamo? Kasi wala pong mesa ang JolliJeep. Kakain ka sa tabi nito. May plato silang plastic na binalutan pa ng plastic para di madumihan at malagyan ng grasa dahil gagamitin ito ulit ng ibang parokyano.

lumpia

pancit-canton
Ang kanin nila ay nakatakal na at nakabalot sa plastic din. Maari ka naman magtake out, ilalagay sa styro ang pagkain ngunit may bayad ng 2 hanggang 4 na piso. Blockbuster sa akin ang gulay. Di kasi ako pwedeng kumain ng matatabang pagkain… so gulay lagi ang order ko. Isa pang blockbuster sa akin eh ung pancit canton nila. Tuyo kasi ang pagkaluto. Ung nakakauhaw na pancit canton. (Panalo!) Kakain ka ng nakatayo at mainit (dahil tanghaling tapat ang lunch time ko). Minsan wala ka pang pwesto kaya intay ka lang.

pinakbettoge

Literal ang sinasabing eat and run dito. I can eat my lunch in 5 minutes ang drama dito. Masaya, mura at ok naman ang experience mo pag kumain ka dito.

Suggestion: Masarap ung Jollijeep na luto yung sa may tapat ng McDo at Mercury Drug. Pagitan ng Hospital at Call center yung mga buildings. Kulay itim ang kuko ni Kuya (yung tindero sa JolliJeep) try nyo minsan.

O ano? Lunch time ko na naman… sana may pancit ulit…

Kain na tayo!

Advertisements

One response

  1. myocardial

    Kanina nga palang kumakain kami… umaambon… di namin alam mangyayari kung umulan ng malakas.

    March 31, 2009 at 6:58 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s