Anything I can share to all… From my recipes, experiences and life

Latest

Now the time has come…

Magandang Araw!

Matagal-tagal na din akong di sumusulat sa blog ko.  Masyadong busy.   Sinimulan ko ang blog na ito last year pa dahil di naman ako masyadong busy sa work and nasa special projects lang ako naka assign kaya I have time to update my blog.  Pero ngayon at full-time na ang work, wala ng time.  Pero! Pero ulit!  Gagawin ko ang lahat para i-update ang blog ko.

This time, its not more on recipes but more on what’s food all about.  Eto talaga ang passion ko.  Food.   I read an article of one of the famous chef in the country.  Ang pagluluto daw ay 60% inborn talent at 40% learned talent.  Medyo disagree ako.  Kasi kaya nya nabanggit na 40% learned talent kasi may culinary school sya.  Ibig sabihin, kailangan mag-enroll ka sa school nya to learn how to cook. 🙂

For me, its 80% inborn talent and 20% learned from the experience.  Trial and error lang.   Minsan, pag nagluto ako, medyo may kulang o may sobra.  So dapat, you know na kung ano ang mali para sa susunod alam mo na ang tama.

Atsaka, gusto ko din dito isulat yung mga experience ng bawat isa sa mga kainan na napuntahan nila.  I rate yun based sa standards natin.

So, sisimulan ko na… sana sipagin ako..

If you know how to Eat, you should know how to Cook!

 

 

Magandang araw sa inyong lahat! 

 

Ang Blog na ito ay isa sa mga blog na ginagawa ko… Yung mga ginagawa kong ibang blog, puro emo… hehehe

 

Pero eto, ibang emo.  Emo ito na siguradong lahat eh magugustuhan… kasi ang topic dito eh, food, pagkain, chi cha, etc.  Kahit na ano basta tungkol sa pagkain. 

Healthy food man ito o hindi, malinis man o hindi, masarap man o hindi, at kahit ano pa o hindi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Gusto ko lang simulan ‘tong pagsusulat ko ng mga recipes kasi karamihan sa aking mga kaibigan, kakilala, kapamilya, kapuso, kabagang, katoto, kaaway atbp, eh nagtatanong kung paano ko ginawa, ano ang mga ingredients, at kung anu ano pang tanong na minsan di ko alam ang isasagot ko.  So, isusulat ko na lang dito at sabihin sa kanilang puntahan nila tong site at wag ng magtanong.  Hehehehe…

 

Isang payo lagi ang sinasabi ko… kung marunong kang kumain dapat marunong kang magluto.

 

 

Sige, eto ang simula ng lahat so magkita kita tayo…

 

 

 

Nga pala, kung may gusto kayong ishare na experience nyo sa food.  Halimbawa, kumain ka sa isang mall… masarap ang pagkain.  Ishare mo naman!  O kaya, medyo may something na di ka nagustuhan sa inorder mo, share mo lang. 

 

Hanggang sa muli!  Paalam!

Experience in a Chicken House Restaurant

One night after our shift… the barkada decided to eat out.  It was raining hard and traffic and we have to fetch one of our friend in Tandang Sora Ave (we came all the way from Makati).  We leave Makati around 5:30 pm and because of the traffic we reached Tandang Sora quarter to nine.

Of course, I was asked where we will eat.  I told them, madami naman dyan sa Quezon City.  We went to the stretch of Visayas Ave but we dont see any resto which is appealing to us.  Until we noticed, Jo’s Manukan.

Its a typical grill resto with different ambiance.  Sabi ko nga, pwedeng taguan to ng mga kabit.  Medyo dark kasi at di sya well-lighted.   I am amazed of some interiors nila.  Like may buhay na chicken sa aquarium…  (syempre, Chicken House nga eh.)

Order time!!!

Since I am busy inspecting the area, they asked me what I want.  I told them, Grilled Chicken or whole fried chicken since most of this kind of resto will have that kind of menu (and of course, its a chicken house!).

But… they don’t have Chicken dish in the menu.  Hahaha!!! (How come thy kingdom come… )

Chicken House with one dish in the menu list.  Fried Chicken with Rice… (nag KFC na lang sana ako, unli gravy pa… yummm)

So since its raining hard and we are all in famish stage… we opted to order na rin.  We order… pansit, sinigang and rice.  Malungkot na dinner.  I am not expecting this… Nawalan ako ng gana.  Nasisi pa ako kasi ako nagturo sa kanila na dito na lang kumain.

Jo’s Manukan – Visayas Avenue


Place – 3.0 stars – madilim at luma na ang lugar pero may kakaiba sa interior nila

Food – 2.0 stars – They should change the name of their establishment

Service – 3.0 stars – Normal service.  Nothing unusual

Please wait for my another resto rating…

Haring Tapa

Haring Tapa

½ kilong Beef Tenderloin, hiwain ng manipis
1 cup Soy Sauce
3 tbsp Lemon Juice
Sugar
Garlic Powder
Chili Powder
3 tbsp Cooking Oil
Sibuyas – hiwain ng pabilog

Paraan:

Hugasan ng mabuti ang karne. I-drain. Ilagay sa isang bowl na sa inyong tingin kakasya ang lahat ng mga sangkap.
Paghaluin ang lahat ng mga sangkap. Itabi ng 6 na oras (wag ipasok sa refrigerator).

Pagkatapos ng 6 oras. Maari ng prituhin ang karne.

Pagluluto:

Magpainit ng mantika sa kawali. Ilagay ang marinated tapa sa kawali. Iprito, manaka-nakang lagyan ng marinated syrup ang beef habang piniprito. Prituhin ng hanggang 5 minuto sa katamtamang apoy.

I-serve ng may sibuyas sa ibabaw ng tapa.
beef-tapa

My Father’s Menudo

menudo

My dad is very famous for his menudo… he has a different way of cooking it.  Sharing you the procedure:

Ingredients:

500 grams pork, cut into cubes

250 grams pork liver, cut into cubes

250 grams carrots, cut into cubes

400 grams potatoes, cut into cubes

Red onion, chopped or minced

4 cloves of garlic, minced

¼ cup soy sauce

1 cup tomato sauce

1 tbsp sugar

¼ tsp Black ground pepper

¼ cup cooking oil

Salt to taste

½ cup water

Instructions:

Mix all the ingredients in a pot (make sure pork, liver, carrots, potatoes are washed properly).  Yeah, you read it right… mix all the ingredients.  BTW, you have to use your own hands to mix the ingredients.  Put the mixed ingredients in a cauldron and put into low heat and cover.  Let it cooked for 15-25 minutes until the pork and liver is tender.

Menudo is cooked when everything is tender.

Served in a dish pan.

Easy right? I don’t know but there is something different with my father’s version of Menudo, possibly, its because of the parent way of feeding their children, which is we call cooking to your love ones.

JolliJeep

Everyday… JolliJeep

jollijeep

I am currently working here in Makati (tip: In one of the hospitals here). Di po ako doctor, nurse or any medically inclined job pero dito po ako ngayon pinagrereport ng aking kumpanya. Dahil siguro sawa na sila na paswelduhin ako ng walang ginagawa.

Noong unang mga araw ko dito, mahirap. Kasi araw-araw, gumigising ako o ang nanay ko ng maaga para magluto ng almusal at babaunin ko. Mahirap at mahal po kasi ang mga pagkain dito sa lugar ng mga nakapalda at nakakurbatang empleyado.

Ang aking boss (hello, boss!) ay kumakain sa cafeteria ng hospital. Mahal pa din ang pagkain, di sapat ang kakarampot na sweldo ko para sa araw-araw na gastusin.

Sinubukan na naming kumain sa food chains sa labas ng hospital, Max’s, McDonalds, Tokyo-Tokyo, KFC pero talagang di ako tatagal dito.

Nagkayayaan minsan sa JolliJeep… ang tanyag na Jollijeep ng Makati. Marami kang pagpipilian sa mga ulam nila. Kung ikaw ay kakain dito, siguraduhin mong di ka maarte. Bakit kamo? Kasi wala pong mesa ang JolliJeep. Kakain ka sa tabi nito. May plato silang plastic na binalutan pa ng plastic para di madumihan at malagyan ng grasa dahil gagamitin ito ulit ng ibang parokyano.

lumpia

pancit-canton
Ang kanin nila ay nakatakal na at nakabalot sa plastic din. Maari ka naman magtake out, ilalagay sa styro ang pagkain ngunit may bayad ng 2 hanggang 4 na piso. Blockbuster sa akin ang gulay. Di kasi ako pwedeng kumain ng matatabang pagkain… so gulay lagi ang order ko. Isa pang blockbuster sa akin eh ung pancit canton nila. Tuyo kasi ang pagkaluto. Ung nakakauhaw na pancit canton. (Panalo!) Kakain ka ng nakatayo at mainit (dahil tanghaling tapat ang lunch time ko). Minsan wala ka pang pwesto kaya intay ka lang.

pinakbettoge

Literal ang sinasabing eat and run dito. I can eat my lunch in 5 minutes ang drama dito. Masaya, mura at ok naman ang experience mo pag kumain ka dito.

Suggestion: Masarap ung Jollijeep na luto yung sa may tapat ng McDo at Mercury Drug. Pagitan ng Hospital at Call center yung mga buildings. Kulay itim ang kuko ni Kuya (yung tindero sa JolliJeep) try nyo minsan.

O ano? Lunch time ko na naman… sana may pancit ulit…

Kain na tayo!

Garlic Pasta

 

Garlic Pasta

Garlic Pasta

Ingredients:

500 grams uncooked Pasta –
½ bulb of garlic – minced
4 tbsp of Olive Oil
Grated Cheese
Salt and Pepper to taste

Instruction:

Easy to prepare.

Cook pasta as instructed on packaging.

Drain the pasta and let it cool. Add the garlic, olive oil, salt and pepper, and grated cheese. Mix evenly and constantly.

Put the pasta on a serving dish. You can microwave the pasta to melt the cheese or serve it as it is.